We all know that life is full of uncertainties. Kaya nga the only permanent thing in the world is change diba? Life is all about surprises. Maraming bagay ang nasa buhay natin ngayon na sa isang banda ng buhay natin noon ay hindi natin inakalang magkakaron tayo. Pwedeng pinangarap or iniiwasan. Ano't ano pa man, yun ang buhay eh. Puno ng thrill.
Meron akong weird analogy nito eh:
Roadtrip. Nasa isang direchong daan ka. Two-way. Maganda yung daan, kaaya-aya. So dadaan ka at didirecho lang. Kasi naniniwala ka na sa dulo ng magandang daan ay may mas maganda pang lugar na naghihintay. Pero napansin mo na bawat isang kilometro mayroong U-turn slot at likuan. Pero didirecho ka pa rin.
Parang buhay. May mga bagay sa buhay na kailangan mo lang tahakin kasi maganda. Kasi napapasaya ka. At some point mapapaniwala ka na dadalhin ka sa isang lugar na mas maganda pa sa inaakala mo. Pero paano pala kung bangin ang nasa dulo? Edi nagsayang ka pala ng oras. Eh kung nag-Uturn ka na or lumiko noon pa, baka mas maganda. Pero katulad ng sinabi ko, hindi mo malalaman na hindi pala doon ang gusto mo kung hindi mo tinahak. May mga laban sa buhay, na hindi mo alam kung sino ang kaaway. Pero kailangan mo lang labanan ng labanan kasi gusto mong makuha yung premyo. Unfair no? Nakakatakot.
Madaling sabihin na its a time not wasted kasi naging masaya ka naman, pero aminin mo man o hindi, alam mo sa sarili mo na sana pala lumiko ka na lang. Naka-save ka na ng oras at baka nai-save mo rin ang sarili mo sa disappointments.
But then again, this is life. We just have to take all the hit and hope na sa susunod na daang pipiliin mo, mas maganda na ang lahat. :)

No comments:
Post a Comment