Tuesday, 11 June 2013

Alternate Ending

As you can see, napapadalas, halos maya't maya akong nakakapagsulat dito. Overrated na kasi ang twitter at facebook. Not to mention, outlet lang naman ang kailangan ko. I don't need anyone's opinion on some things dahil alam ko naman in the long run, ako at ako pa rin naman ang makakasagot ng mga tanong at rants ko. Experience is the best teacher, diba nga? 

I came across another random thought this morning. 

Alternate Endings.

When you're so attached to something, you find yourself building a whole new world with it. Yung tipong lahat ng ginagawa mo ngayon, may isang bagay na lagi kang kinoconsider, and little did you know that slowly, iniinvade na ng bagay na ito ang pagkatao mo, kumbaga, it is drowning you in to that new world you've built to the extent na you are beginning to lose what you were and where you came from. Magugulat ka na lang, you lost yourself in the process na pala. Na ang isang bagay na nagsimula na isa lang sa mga kino-consider mo, ay ang tanging bagay na lamang pala na kino-consider mo ngayon. 

At swertehan lang din naman talaga. Maaaring sa tinagal ng panahon, ipagpapasalamat mo na itinali mo ang sarili mo sa isang bagay na yun. At kung medyo minalas-malas, wala kang magagawa kundi tanggapin, na nabigo ka, na nawawala ka at na kailangan mo ulit simulang kilalanin at halukayin ang mga nakalimutan na. 

Yun ang alternate ending na sinasabi ko. 

Tayo kasing mga tao, madalas, doon tayo sa nakakapagpasaya saatin ngayon. Pero hindi ko sinasabing mali yun ha? Given na na yun ang nature ng tao. Ako man ay ganun din. Naiisip ko lang ngayon, na siguro nga talaga once in a while, you have to stop claiming the future you want to have and remind yourself na "Baka hindi yan.". And as sad as it sounds because you are trying to kill a dream, it keeps you from a total self destruction kung sakaling may iba ngang nakaplano ang nasa Itaas para sayo. Nakakalungkot man, pero paminsan kailangan mo ring paalalahanan ang sarili mo na baka may iba pang ihahain. Baka may iba pang nakalaan. Na kahit gaano mo panghawakan ang mga bagay-bagay, meron at meron ng nakatakdang mangyari. Isa sa mga katotohanan ng buhay na mahirap man tanggapin pero kailangan maging bukas tayo sa posibilidad na baka may ibang ending ang kwento. At ipagdasal na lang na kung ano mang ending ang naisulat para saatin, sana ay mahigitan nito ang pinangarap nating ending. :) 

Uncertainties.


We all know that life is full of uncertainties. Kaya nga the only permanent thing in the world is change diba? Life is all about surprises. Maraming bagay ang nasa buhay natin ngayon na sa isang banda ng buhay natin noon ay hindi natin inakalang magkakaron tayo. Pwedeng pinangarap or iniiwasan. Ano't ano pa man, yun ang buhay eh. Puno ng thrill.

Meron akong weird analogy nito eh: 

Roadtrip. Nasa isang direchong daan ka. Two-way.  Maganda yung daan, kaaya-aya. So dadaan ka at didirecho lang. Kasi naniniwala ka na sa dulo ng magandang daan ay may mas maganda pang lugar na naghihintay. Pero napansin mo na bawat isang kilometro mayroong U-turn slot at likuan. Pero didirecho ka pa rin.

Parang buhay. May mga bagay sa buhay na kailangan mo lang tahakin kasi maganda. Kasi napapasaya ka. At some point mapapaniwala ka na dadalhin ka sa isang lugar na mas maganda pa sa inaakala mo. Pero paano pala kung bangin ang nasa dulo? Edi nagsayang ka pala ng oras. Eh kung nag-Uturn ka na or lumiko noon pa, baka mas maganda. Pero katulad ng sinabi ko, hindi mo malalaman na hindi pala doon ang gusto mo kung hindi mo tinahak. May mga laban sa buhay, na hindi mo alam kung sino ang kaaway. Pero kailangan mo lang labanan ng labanan kasi gusto mong makuha yung premyo. Unfair no? Nakakatakot. 

Madaling sabihin na its a time not wasted kasi naging masaya ka naman, pero aminin mo man o hindi, alam mo sa sarili mo na sana pala lumiko ka na lang. Naka-save ka na ng oras at baka nai-save mo rin ang sarili mo sa disappointments. 

But then again, this is life. We just have to take all the hit and hope na sa susunod na daang pipiliin mo, mas maganda na ang lahat. :) 


Thursday, 30 May 2013

Random Thought # 2. Change.

Hello, Blogspot. Medyo matagal tagal na rin naman mula ng huli akong nagsulat. Ilang araw ko ng binabasa ang mga naisulat ko dito. Ang daming flashback. Dati rati, nalulungkot ako sa mga flashback na yan. Ngayon, naiiyak ang puso ko sa kagalakan. Eto kung bakit. 

Hindi ko itinago sa lahat kung gaano naging magulo ang buhay ko. I've always been transparent and everyone around me witnessed my downfall. Lahat ng tao sa paligid ko, saw me at my lowest point. Kahit ako, I lost myself in the process. Dumating sa point na ayoko ng makita ang sarili ko. Ayokong i-assess kung anong nangyayari sa buhay ko, dahil nahihiya ako sa mga maling desisyon na nagawa ko. 

Pero yun ang naging daan ng Panginoon pabalik saakin. I learned my lesson the hard way because i refused to open my eyes to the truth. To the reality. 

At nung panahong natutunan kong tanggapin ang katotohanan at ang pagkakamali ko, unti-unting naging maluwag para saakin ang pagbabago. 

Naging package deal. That time when I learned to accept those mistakes, I learned to accept myself again. I learned to embrace the change that's long overdue. Nakilala ang mga taong noon ko pa dapat mas pinahalagahan. At higit sa lahat, natutunan kong mas mahalin pa ang sarili ko.

Eto na ako ngayon, tanggap at alam na sa ilang parte pa ng buhay ko ay mababatukan ako ng Panginoon para turuan ako ng iba pang bagay tungkol sa buhay. Hindi sarado sa pagbabago. At mas may pagpapahalaga sa mga bagay na ipinagkakaloob. 

Funny how a year can totally change a person. And to myself, the change I went through is something I don't think I'll ever regret. Masaya ako, at madami akong natutunan.

Marahil safe sabihin, na we are all responsible for almost every thing na nangyayari saatin. Halos lahat ay resulta ng mga desisyon na minsang ginawa natin sa buhay. 

Kung ako ang tatanungin, ito lang ang gusto kong matutunan ng lahat ng tao.

Kahit gaano ka pa naging gago sa isang parte ng buhay mo, ilapit mo sa Taas. ihingi mo ng tawad, at patawarin mo ang sarili mo. Huwag matakot bumangon, at magbago. Mabuti na gawin ito para sa mga taong mahalaga sayo. Pero mas swak kung gagawin mo para sa sarili mo. Maniwala ka, mas effective. Kasi guaranteed, na kasunod nun, everything will fall into the right place. Sa akin nga, may bonus pa. ( ibang kwento na yun. <3 ) 

Ayun lang. Walang kasing random. Isang kwento at payo ng pagbabago. 

Hanggang sa muli. :)