Totoo pala na kapag nagawa mo na lahat ng kaya mong gawin para sa isang bagay/tao, you will find that peace. Yung kahit na hindi maappreciate or hindi mapansin, masaya ka na. That sense of contentment.. Ibang klase. Parang feeling mo, mas makakamove forward ka. Ang gaan sa feeling. Mas nagiging madali para tanggapin kasi alam mong you've done everything. Yung last na ginawa mo para sa bagay/tao na yun, you didn't do it just for that/them, you also did it for yourself. Ibang klase pala kapag umabot ka sa dulo ng makakaya mo.. Hindi malungkot. Mas masaya kasi alam mong hindi ka nagkulang. :)