AN ESCAPE FROM REALITY. because I can't stand living in just "reality" alone. Bear with me readers.
Tuesday, 24 May 2011
Kahit kelan hindi naging madali para sa isang tao na talikuran ang taong nagmamahal sakanya.
Naranasan mo na ba yung pakiramdam na alam mong mahal na mahal ka ng isang tao? Na kahit anong gawin mo matatanggap ka niya? Na kahit pagkatao nya mismo ang tapakan mo, alam mo at sigurado ka na sa dulo kayang kaya mong bumawi para makalimutan nya yung nagawa mo?
Naranasan ko na. Maraming beses. Masarap at masaya sa pakiramdam. Galing ako sa hindi magandang relasyon nun. Ipinagdasal ko na sana makita ko na yung taong mahal na mahal ako. Yung mamahalin ako ng higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay. Ipinagdasal ko na sana sa susunod bumaliktad naman ang mga pangyayari at ako naman yung hindi kayang iwan and ayaw pakawalan. Dumating naman siya. Ang problema? Ako. Iba pa rin pala talaga kapag ikaw yung nagmamahal. Mas masakit pero mas masaya.
Kinailangan ko syang iwan. Hindi lang dahil hindi ko sya mahal, dahil hindi ko na rin kaya pang dagdagan ang sakit na binibigay ko sakanya. Nasaktan rin ako. Nasaktan ako dahil alam ko yung pakiramdam na nagmamahal ng taong hindi mo alam kung kaya kang mahalin pabalik o kung kaya bang suklian yung pagmamahal na kaya mong ibigay.
Ngayon, naiintindihan ko na sila. Yung mga taong mas pinipiling magisa kesa samahan yung taong nagmamahal sakanila. Iba ang saya kapag mahal na mahal mo yung tao. Kahit nasasaktan ka, doon mo pa rin makikita yung tunay na kaligayahan. Kahit hindi ka nasusuklian, kaya pa rin nyang buuin ang araw mo. At kahit ilang beses nya durugin ang puso mo, siya at siya lang rin ang kayang bumuo nito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment